Removal of traffic lights in front of Vista Mall Pampanga

Removal of traffic lights in front of Vista Mall Pampanga

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Concerned Fernandino started this petition to Mayor Edwin Santiago and

Mawalang galang na po. Kahit sino pong mapadaan sa McArthur Highway sa harap ng Vista Mall Pampanga ay nagtataka at nagagalit kung bakit nagkaroon bigla ng traffic light sa nasabing lugar, gayong hindi naman ito isang intersection. Isang mall lamang po ang nakatayo dito.. Isang mall na halos wala namang pumupunta.. Isang mall na ang may-ari ay ang pinakamayamang tao ngayon sa Pilipinas, at ang kaniyang anak ang kalihim sa DPWH.. Bakit po ninyo pinayagan ito? Ganito po ba ninyo pinapakita kung paanong nakukuha ng mga mayayaman at may kapangyarihan ang anumang kanilang gustuhin? Lagyan po kaya natin lahat ng traffic lights lahat ng malls at iba pang establishments sa San Fernando, para naman di unfair sa iba? Lagyan po natin ng stoplight ang mga gasolinahan para di mahirapan ang mga nagpapagasolina.. Lagyan po natin ng stoplight ang mga restaurants at fastfood.. Kung ang mga eskwelahan nga, napakaraming pumapasok at lumalabas na sasakyan, pero walang stoplight, bakit kailangan lagyan ng stoplight ang isang mall?? At bakit kailangang operational ang stoplight na ito 24/7 kahit sarado ang naturang mall na yan? Ganyan po ba ka special ang Vista Mall? Ganyan po ba kalakas ang may-ari niyan? Tama po ba ito mga kababayan? Lalu nilang pinapalala ang traffic sa lugar na yan.. For the sake na dumami ang customers nila, nagpatayo ng sariling stoplight.. Para sa mga kinauukulan, alam po ninyong malaking kalokohan ang stoplight na ito.. Nakakatawa na nakakagigil ang ginagawa ninyo.. Isa pa po, hindi po basehan ang pagtatayo ng stoplight para masabing progresibo ang isang siyudad.. Kung mapapansin po ninyo, mas magaan pa ang traffic kapag brownout at nakapatay ang mga traffic lights na yan..

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!