Sobrang pasahero, Masakit sa ulo

0 have signed. Let’s get to 100!


             Araw araw milyung milyong katao ang sumasakay sa mga pampasaherong sasakyan gaya na tricycle,jeep, bus at iba pa ,para lamang makapunta sa kanilang trabaho, eskwelahan at iba pang pansariling aktibidad. Ngunit kung minsan ay sinasamantala ng mga driver ang mga bilang ng mga byahero sa pamamagitan sa pagsakay ng sobrang pasahero upang kumita ng higit sa karaniwang nilang kita.

                Ayon sa R.A 4136 Artikulo II Sekyson 2 na maari lamang magsakay ang isang sasakyan ng bilang ng tao na binigay at pinapayagan ng gumawa o nag manufacture ng sasakyan. At nakadepende din ang bilang na pwedeng isakay ng sasakyan ayon uri nito. Gaya ng tricycle maari lamang ito magsakay ng 1-5 katao na binubuo ng 1 driver, at 4 na pasahero nito. At ayon din sa naturang batas ang anumang extension sa mga sasakyan ay di maaring sakyan ng pasahero gaya ng parilya ng tricyle na lagayan gamit ngunit kung minsan ay pinapasakyan nadin upang mas kumita.                      Bilang isa ding byahero matuturing na pasakit ang ganitong scenario sa kadahilang nagdudulot ito ng dikomportableng pakiramdam sa mga pasahero nadinadagdagan pa ng init ng panahon traffic na talagang magdudulot ng stress. Kung minsan pa ay nagdudulot ito ng mga aksidente gaya pagtaob ng isang tricycle at bus.

Kaya't inyong suportahan ang aking petisyon upang mahintuan "Over passenger" o sobrang pasahero.



Today: Jayson is counting on you

Jayson Valimento needs your help with “Land Transportation Office(LTO): Sobrang pasahero, Masakit sa ulo”. Join Jayson and 31 supporters today.