Iwasto ang petsa ng Araw ng Pasig

Iwasto ang petsa ng Araw ng Pasig

Started
August 16, 2022
Petition to
Sangguniang Panlungsod ng Pasig
Signatures: 60Next Goal: 100
Support now

Why this petition matters

Started by Wensley Reyes

Unang ipinagdiwang ang petsang Hulyo 2, 1573 bilang Araw ng Pasig noong 1994 at hanggang sa ngayon ay ipinagdiriwang pa rin ang petsang ito bilang pagkakatatag ng lungsod.

Batay sa mga pananaliksik, walang batayan ang Hulyo 2, 1573 bilang petsa na ipinagdiriwang ang Araw ng Pasig. Walang dokumento o anumang ebidensya na maaaring magpatunay na makasaysayan ang petsang ito.

Ngayong 2022 ang dapat na ika-450 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Pasig batay sa mga ebidensya. Ngunit, makakaligtaan ito kung hindi maiwawasto ang maling tradisyon.

Ang Araw ng Pasig ay hindi Hulyo 2, 1573.
Walang ebidensya na ito ay Hulyo 2, 1573.
Magpapatuloy bang magdiwang ng WALANG EBIDENSYA?

Nakikiusap ang mga aktibong mamamayan ng Pasig sa Sangguniang Panlungsod ng Pasig na bigyan pansin ang pagtatamang ito.

Maaring bisitahin ang mga sumusunod na link para sa iba pang detalye:

https://www.researchgate.net/publication/334598790_Ang_Araw_ng_Pasig_Isang_Pagsisiyasat

https://www.youtube.com/watch?v=RKrVgwpKZ0A

https://www.foi.gov.ph/requests/aglzfmVmb2ktcGhyHQsSB0NvbnRlbnQiEE5BUC02MTA2NjU1MjIyMjcM

https://www.foi.gov.ph/requests/aglzfmVmb2ktcGhyHgsSB0NvbnRlbnQiEU5IQ1AtMDkzMjE1MTU5NTM1DA

Support now
Signatures: 60Next Goal: 100
Support now