PETISYON LABAN SA MANDATORY VACCINATION

PETISYON LABAN SA MANDATORY VACCINATION

40 have signed. Let’s get to 50!
At 50 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Virgilio Perdigon started this petition to IATF Chairman Francisco Duque

Magkaisa lahat ng nakaltasan ng sahod, nawalan ng trabaho at nagutom ang pamilya dahil sa IATF Resolution 148-B at 149!

 

Ang MANDATORY VACCINATION ay labag sa kaalamang medikal na may mga taong hindi maaaring bakunahan dahil sa kaibang kalagayan ng kanilang kalusugan. Gustuhin man nilang magpabakuna, hindi maaari dahil lalo itong makakasama sa kanila.

Ang HERD IMMUNITY ay nangangailangan lamang ng 70-90% ng populasyon na mabakunahan. Ang 10-30% ay hindi makakahadlang sa pagpuksa sa Covid-19. Ito rin ay katotohanang medikal.

Ayon sa report, ang dahilan ng mga otoridad sa pag-utos na gawing mandatory ang pagbabakuna ay ang nalalapit na expiration ng mga biniling bakuna. Ito ay hindi matinong pag-iisip. Kahit isang buhay ay higit na mahalaga kaysa lahat ng vial ng bakuna.

Ayon sa pagsasaliksik, may alternatibo sa bakuna upang mapuksa ang Covid-19. Ito ay ang vitamin C at D na di hamak na mas mura subalit ayaw bigyang pansin ng pamahalaan. Mayroon na ring mga gamot na maiinom kung ang isang tao ay nagka-Covid.

Ang mandatory vaccination ay labag sa Artikulo III Seksyon 1 ng Saligang Batas: Lahat ay may karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng ari-arian ayon sa batas. Ang mandatory vaccination ay naglalagay sa panganaib sa buhay ng mga may kondisyong medikal. Ito ay umaalis sa karapatang mamili kung ano ang nararapat na paraan sa pangangalaga ng katawan. Ang aming mga katawan ay pag-aari namin na hindi pwedeng saklawan ng sinuman kundi ng aming sarili.

Ang mandatory vaccination ay labag sa RA 11525 Seksyon 12 na nagsasabing hindi maaring gawing requirement ang pagbabakuna sa pag-aaral, pagtatrabaho at kahalintulad na mga transaksyon sa gobyerno. Sinasapawan ng IATF Resolution 148-B at 149 ang legislative powers ng Kongreso. Ito ay labag sa Revised Penal Code Article 239 ayon sa pagkaka-amyenda ng RA 10951 Seksyon 55.

Kami ay hindi tutol sa pagbabakuna. Tutol kami sa mandatory vaccination!

40 have signed. Let’s get to 50!
At 50 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!