Victory

Nueva Ecija High School Grandstand Renovation

This petition made change with 100 supporters!


Nueva Ecija High School, isa sa pinakakilalang paaralan sa sekondarya na matatagpuan sa lungsod ng Cabanatuan City. Humigit kumulang 8,000 estudyante ang pumapasok araw-araw upang makakuha ng mga panibagong ideya at kaalaman.

Isa na nga sa mga pinakakilala o naging 'signature' ng Nueva Ecija High School ay ang kanilang tinatawag na 'Grandstand'. Ito ay ang lugar kung saan nagaganap ang halos lahat ng mga pagdiriwang at kompetisyon, kinakatawan man ng JHS o maging ng SHS na mga estudyante at guro. Sa paglipas ng panahon at sa dami ng mga ganap ay unti-unti ng nagkaroon ng mga sira at wasak ang Grandstand. May mga pagkakataon din na malapit na sa disgrasya ang ilan sa mga estudyante maging ang mga guro dahil sa biglaang pagbagsak ng ilang bahagi ng grandstand na nagsisilbing silya ng mga tao.

Bilang estudyante ng Nueva Ecija High School, lubos kong ikagagalak at maging ng mga estudyante ng paaralan kung makakagawa ng hakbang ang ating Gobernadora sa problemang kinakaharap ngayon ng aming paaralan. Mas magiging komportable ang loob mg mga taong nais tumungo o manatili dito at makakatulong na rin ito sa muling pagpapaganda ng Nueva Ecija High School na isa sa mga maaaring paraan upang maitaguyod at maipakilala pa ang paaralan.



Today: Tyron is counting on you

Tyron Donato needs your help with “Governor Cherry Umali: Nueva Ecija High School Grandstand Renovation”. Join Tyron and 99 supporters today.