Petition Closed

Pagbibigay ng libreng pa-bahay sa mga Badjao

This petition had 101 supporters


   Bakit kailangan bigyan ng libreng pa-bahay ang mga Badjao? Kahit may ilan satin na may alam na ang mga Badjao ay umano binebenta ang bahay na pinatitirahan sa kanila ng ating gobyerno.

   Tayong mga Filipino ay may karapatan na matugunan ang ating mga pangangailangan. Sa pamamagitan man nito ng ating sariling pag gawa o sa tulong ng pamahalaan. At alam naman natin na ang mga Badjao ay napakarami sa ngayon dito sa ating bansa na nagkalat sa mga kalsada.

   Kung gayon, kailangang bigyan ng libreng pa-bahay ang mga Badjao. Sapagkat wala silang kakayanan makapagtayo ng isang maayos na tirahan.

   Kaya hahayaan na lang ba natin ang ating kapwa Filipino ay nakatira sa kalsada o kung saan saan. Hahayaan ba natin sila na kapag umuulan o bumabagyo ay sila ay natutulog ng nababasa, kasama ang kanilang mga anak na halos magkasakit na sila, at umiiyak ang mga bata. At nagmamakaawa na mamalimos sa kalsada.

   Bigyan natin ng pansin ang mga taong nangangailangan na ating tulong. Wag silang pabayaan.



Today: Rachelle Ann is counting on you

Rachelle Ann Castillo needs your help with “Gov. Cherry Umali: Pagbibigay ng libreng pa-bahay sa mga Badjao”. Join Rachelle Ann and 100 supporters today.