Filipino LinkedIn Professionals for Leni

Filipino LinkedIn Professionals for Leni

Started
May 5, 2022
Signatures: 48Next Goal: 50
Support now

Why this petition matters

Started by Rex Jayson

"Pagkakaisa"

Ano nga ba ang tunay na diwa nito?

Ang pagkakaisa ay hindi isang plataporma.

Hindi ito isang bagay na ipapagawa o ipag-uutos mo na gawin ng mga tao, at susunod na lang sila ng pikit-mata.


Ang pagkakaisa ay bunga ng maraming magagandang bagay.

Ito ay bunga ng isang pangarap ng mga tunay na nagmamahal sa bayan.

Ito ay bunga ng inspirasyong naibahagi ng mabubuting gawain.

Ito ay bunga ng isang minimithing pagbabago tungo sa tapat at makataong pamunuan.

Ito ay bunga ng pagkasuya at pagtutol sa korap na pamahalaan.


Katulad ng gawaing ito upang suportahan ang kandidatura nina Leni at Kiko.

Kami ay kusang loob na nagkaisa upang maisakatuparan ang aming layunin tungo sa isang mapagkakatiwalaang pamahalaan.

Hindi binayaran.

Hindi napilitan.

Hindi nagbulagbulagan.


Kundi, kami ay...

Naninindigan.

Lumalaban.

Nagkakaisa.

Para sa aming pamilya.

Para sayo kabayan.

At para sa Pilipinas naming minamahal.


Ito, kaibigan, ang tunay na diwa ng pagkakaisa.

#lenikiko2022
#angatbuhaylahat
#kulayrosasangbukas

Support now
Signatures: 48Next Goal: 50
Support now