Petition Closed

Igalang ang NCCA Cease and Desist Order! Sagipin ang mga Heritage House at Old Town Streetscapes sa Kalye Heneral Luna, Sariaya mula sa Road Widening project ng DPWH! #HukayPaMore

This petition had 5,921 supporters


HENERAL LUNA, NILALAPASTANGAN SA SARIAYA!

"Marami ang makabayan. Marami ang pwedeng magsabi na makabayan sila. Pero iilan lang ang tunay na makabayan na handang ibuwis ang kanilang buhay para sa kanilang bayan." - Heneral Luna

Nanganganib ang mga natitirang ancestral house, parke, at simbahan ng makasaysayang bayan Sariaya Quezon na matatagpuan sa Heneral Luna street dahil sa road widening project ng DPWH.

Ilan sa mga ito ang Natalio Enriquez Ancestral House na idinisenyo noong 1931 ni Andres Luna de San Pedro, anak ng bayaning pintor na si Juan Luna; ang art deco municipal hall na idinisenyo naman ni Juan Arellano na siya ring arkitekto ng Metropolitan Theater at Manila Central Post Office; at ang makasaysayang parke ng bayan na itinayo pa noong 1748! Bukod dito, lahat din ng lumang bahay at establisyimento sa Heneral Luna street ay lubhang maapektuhan.

Tutol ang NCCA (National Commission for Culture and the Arts) sa planong ito ng DPWH kaya’t nagpalabas ito ng Cease and Desist Order noong Marso 2015. Nagkaroon na rin ng tatlong (3) round table discussions sa pagitan ng DPWH, lokal na pamahaalan ng Sariaya, Ang Dakilang Pamana ng Lahi, at mga may-ari ng Heritage Houses. Napagkasunduan dito kung saan dapat ilagay ang mga ‘loading at unloading bays’ na hindi dapat makakasira sa mga Heritage House at Old Town Streetscapes ng Sariaya na protektado ng Batas Republika Bilang 10066.

Ang problema, kahit pa may CEASE AND DESIST ORDER NG NCCA, kahit pa naka TATLONG (3) ROUNDTABLE DISCUSSIONS ang lahat ng panig, at kahit pa may BATAS REPUBLIKA 1066 na nagpo-protekta sa heritage house at old town streetscapes ng lugar, patuloy pa rin ang pagbubungkal at operasyon ng DPWH at LA Clamor Corporation sa Heneral Luna Street.

Ang paglapastangang ito sa makasaysayang Heneral Luna street ay kawalang pagpapahalaga sa kultura, identidad, at kasaysaysan ng Sariaya, Quezon.

#HukayPaMore



Today: Jhon Lery is counting on you

Jhon Lery Gorme needs your help with “DPWH: Igalang ang NCCA Cease and Desist Order! Sagipin ang historic sites mula sa Road Widening sa #Sariaya! #HukayPaMore”. Join Jhon Lery and 5,920 supporters today.