Petisyon para sa Dagdag Ayuda sa DOLE CAMP ng mga Manggagawa sa Bataan

Petisyon para sa Dagdag Ayuda sa DOLE CAMP ng mga Manggagawa sa Bataan

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Mariveles Ecumenical Workers Desk started this petition to Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello

Kagabi (8-6-2021), inihayag ni Mayor Jocas sa Friday Night Watch: ECQ with Heightened Restrictions Updates na pirmado na ng Regional IATF ang mungkahi para sa 14 araw na pansamantalang tigil trabaho sa mga pabrika upang maiwasan ang pagkalat ng Delta Variant.  Bagamat wala pang pormal na anunsyo mula sa Provincial Government at National IATF ay ipapatupad na ang pansamantalang pagpapasara mula Agosto 7 - 20 (update as of Agosto 7, 6AM, magbantay para sa karagdagang balita).

Mas maaga pa, nag anunsyo ang mga LGU na magbibigay ito ng ayuda, 25 kilos bigas kada household mula sa Provincial Govt at 5 kilos ng bigas mula sa Municipal Govt.  Sa Special Session ng SB ng Mariveles, napagbotohan ng konseho na gawin na lamang cash ang Php 500 na originally ay nakalaan para sa groceries.

Ang ibang lugar sa bansa na mas maagang naideklara nang National IATF na mapapailalim sa ECQ ay pinangakuan ng Php 1000/tao, maksimum Php 4000/pamilya ng ayuda.  Sa katunayan, inilabas kagabi ang budget allotment para sa 17 siyudad/bayan sa NCR.  Inihayag rin ni Sec. Bebot Bello na humingi siya ng Php 2B pondo para sa pagpapatupad ng DOLE CAMP (Covid 19 Adjustment Measures Program).  Sa Php 2B pondo ito, nakalaan ang Php 298.5M para sa 59,700 na mggw ng Central Luzon.

Kulang ito para sa mga manggagawa ng Central Luzon, dahil sa June 2021 FAB Fact Sheet, aabot na sa 39, 694 ang mga manggagawa nito.  Kaya't iniimbitahan po natin ang mga manggagawa sa FAB at iba pang pabrika sa Bataan na pumirma sa online petition na ito.  Ang maiipon nating pirma ay ipapadala natin sa electronic mail sa DOLE provincial, regional, at national offices sa darating na Lunes, Agosto 9.  Ipapadala rin natin ang kopya ng petisyon sa iba't ibang ahensya ng gobyerno tulad ng munisipyo, provincial, sa senado at kongreso upang makahingi ng dagdag na suporta.

Malaki ang ambag ng mga manggagawa sa ekonomya at sa buwis na napupunta sa kaban ng bayan kaya nananawagan tayo sa gobyerno na pakinggan ang ating mga hinaing.  Sana'y mabigyan ng konsiderasyon na sa mga nagdaang linggo ay pilit na pumapasok sa trabaho ang mga manggagawa kahit pa bumabayo ang matitinding ulan mula sa Habagat.  Sa tala ng OCTA Research, high risk at critical ang klasipikasyon ng Mariveles sa buong Hulyo habang dineklara kahapon ng DOH na nasa Alert Level 4 Status na ang Bataan.  Lubog sa utang ang mga manggagawa dahil hindi na sumasapat ang sahod dahil sa nagtataasang presyo ng bilihin o kaya ay nabawasan ang araw ng pasok dahil sa alternative work arrangements na pinatupad ng mga kumpanya.  Maliit rin ang alokasyon na natatanggap ng Mariveles para sa bakuna.  Ang dagdag na ayuda mula sa DOLE CAMP ay malaking tulong para makabili ng masustansyang pagkain, bitamina, face mask, face shield at alcohol bilang dagdag proteksyon habang inaantay ang pagdating ng mas maraming bakuna.

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!