P100 EMERGENCY WAGE RELIEF ACROSS-THE-BOARD INCREASE, IBIGAY NA, NGAYON NA!

P100 EMERGENCY WAGE RELIEF ACROSS-THE-BOARD INCREASE, IBIGAY NA, NGAYON NA!

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
Defend Jobs Philippines started this petition to department of labor and employment and

Kami ay naniniwalang wasto at napapanahon na ang panawagang itaas ang sahod ng lahat ng manggagawang Pilipino ng P100 sa buong bansa. Malaking tulong ito upang maibalik ang nawalang halaga ng kita naming mga manggagawa dahil sa patuloy na pagmahal ng antas ng pamumuhay sa kasalukuyang panahon.

 

Sa gitna ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mga bayarin, produkto, langis at iba pa, sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, hindi na makakaagapay ang kasalukuyang antas ng minimum wage sa bansa. Sa mahabang panahon, hindi itinaas ang sahod ng mga manggagawa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte.

 

Kung kaya’t nagkakaisa kami sa paniniwalang napapanahon na at dapat nang ipagkaloob sa lahat ng manggagawang Pilipino saanmang sa bansa ang P100 umento sa sahod. Wala nang ibang panahon at pagkakataon para gawin ito kundi ngayon na!

 

P100 EMERGENCY WAGE RELIEF ACROSS-THE-BOARD INCREASE, IBIGAY NA, NGAYON NA!

0 have signed. Let’s get to 500!
At 500 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!