ACADEMIC FREEZE NOW

ACADEMIC FREEZE NOW

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!
abegail laganzon started this petition to Department of Education

"Ma, mag sstart na po yung class namin next week, kailangan ko po ng stable internet connection para sa zoom meeting namin." "Ma, kailangan ko po ng device para gamitin sa online class namin." "Ma, kelangan po namin ng ganito, kailangan po namin ng ganiyan."

Kahit na nasa kalagitnaan ng pandemya, kahirapan at panganib ang buong Pilipinas, napagdesisyunan ng DepEd na ipagpatuloy ang klase ngayong ika-5 ng Oktubre para sa taong 2020-2021. Sinasabi nilang mahalaga ang edukasyon para sa kinabukasan ng mga kabataan ngunit sa problemang kinakaharap natin ngayon, dapat bang isugal ang kalusugan ng mga kabataang inaasan nilang maging "Pag-asa ng Bayan?"

Hindi lang isa o dalawa hanggang sampung estudyante ang nahihirapan na magdesisyon kung magpapatuloy ba sa pag-aaral ngayong taon o hindi na muna. Maraming magulang ang hindi na kayang tustusan ang kanilang pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay dahil walang trabaho. Halos hindi na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw dahil sa dami ng bayarin sa tubig at kuryente kaya't magiging dagdag problema sa kanila ang mga pangangailangan ng mga anak para sa online o modular classes. 

Paano magkakaroon ang mamamayan at ang bansa ng magandang kinabukasan kung ang bawat desisyon ng nakatataas ay hindi kami binibigyan ng kasiguraduhan na kami ay muli pang gigising, kinabukasan. 

Mahalaga ang edukasyon ngunit mas mahalaga ang kalusugan at ang buhay ng tao. 

#AcademicFreezeNOW #NoStudentLeftBehind

0 have signed. Let’s get to 100!
At 100 signatures, this petition is more likely to be featured in recommendations!