Delay Onion Importation

Delay Onion Importation

Started
January 11, 2023
Signatures: 7Next Goal: 10
Support now

Why this petition matters

Started by Elvin Laceda

Bakit kailangan ang mga Magsasaka ang laging mag adjust kapag may mababang supply ng mga produkto na nagdudulot ng mataas na presyo? 

Noong 2022, libo libing mga magsasaka ang nalugi ng milyon milyon dahil sa pesteng Harabas. Ngayon pa lang Sila makakabawi. Hintayin muna ang peak ng harvest ng lokal na produksyon bago tayo mag-angkat. May mga magsasaka pa nga na nag-suicide dahil di nakayanan ang problemang ito. https://fb.watch/h_o9tW0mJG/

Ang solusyon nila ay mag angkat kapag kulang ang supply. Sino ang talagang NAKIKINABANG sa pag-aangkat? 

 

Walang masama sa IMPORTASYON, pero dapat wag itong isabay sa pag-peak ng ani ng mga produkto. Halimbawa na lamang, ang SIBUYAS. Sa darating na Pebrero, tataas ang aning SIBUYAS. Hindi kailangang mag import ngayong ENERO at PEBRERO. Sana naman i-prioritize ang local na produksyon ng mga magsasakang Pinoy. 

 

Tayo ay nananawagan sa pamahalaan na pag-aralang mabuti ang planong pag-angkat. 

 

Ilan sa mga solusyon para maiwasan ang krisis sa SIBUYAS o anumang produktong agrikultura. 

 

1. Market-Driven Production - i-empower ang mga magsasaka at mangingisda sa mga datos at impormasyon tungkol sa eksaktong pangangailan ng merkado at mga pamilihan. Dapat bago pa itanim ng mga magsasaka ang isang produkto, alam na nila ang specifications ng "market". 

 

2. Community Supported Agriculture - sa mga mamimili, maaaring magsagawa ng pagpaplano sa mga pangangailan nila sa mga fresh produce at pwedeng maging direct buyers sila bago pa man anihin ang mga produkto.

 

3. Imprastratura - dagdagan ang mga FMRs, at Farm to Warehouse Roads or Farm to Cold Storage Facilities Roads. Kinakailangan din magtayo ng mga cold storages para sa SIBUYAS. 

 

4. Government Procurement - pwede din maging direct buyer ng mga magsasaka ang pamahalaan at ito ang ipamimigay sa mga mamamayan.

 

Marami pang kailangan gawin, pero ilan lamang ito sa mga suhestyon. 

 

Kasama ang mga libo-libong mga Kabataang Magsasaka sa paggawa ng mga solusyon sa mga suliranin natin sa sektor ng Pagsasaka at Pangingisda. 

 

Atin pong hinihimok ang pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpaprayoridad sa kapakanan ng Magsasakang Pilipino. 

 

Elvin Austria Laceda

National President

Young Farmers Challenge Club of the Philippines, Inc.

Chief Operating Officer, Sakahon

Founder and Chairman, RiceUp Farmers, Inc.

Support now
Signatures: 7Next Goal: 10
Support now