Petition Closed
Petitioning Department of National Defense Defense Sec. Voltaire Gazmin and 1 other

Defense Sec. Voltaire Gazmin: Recommend the declaration of State of Emergency in Zamboanga City. Address the humanitarian crisis. #ZamboCrisis

Palala ng palala na ang sitwasyon sa aming siyudad. Ang mga magulang at bunso kong kapatid ay nag-eempake na ng mga damit at ilang gamit dahil alam nilang aabot na sa aming sa barangay ang gulo ng MNLF at ng militar. Pero hindi pa rin sigurado kung saan lugar sila tatakbo.

Ang mga kaibigan ko na naninirahan sa Barangay Canelar (na hindi gaanong malayo sa limang apektadong barangay) ay hindi na makalabas ng kanilang mga tirahan dahil nadadala na sa kanila ang barilian. Mayroon na kasing mga rebeldeng MNLF na nakatakas mula sa Sta. Barbara.

Ganito lumalawak na ang problema sa ibang pang barangay. Mismong sa mga bahay at bubungan ng ilan sa aking mga kaibigan nagtatago ang ilang mga nakatakas na rebelde. Sa ngayon, umabot na sa 40 libo ang mga evacuees sa Zamboanga City.

Mismong mga residente na lang na may kakayanang mamamahagi ng pagkain at maiinom ang kumikilos sa mga evacuation centers. Ang ilan sa amin ay nagmobilisa na ng grupo na magpadala ng pera para makabili at magluto ng mga pagkain. Pero ang lahat ng ito ay hindi pa rin sapat. Kulang na kulang ang ibinababa ng gobyerno para sa mga evacuees. Gayundin ang ilan pang pangunahing kagamitan - kumot, gatas, gamot. Yung isa kong kaibigang volunteer sa Red Cross ay sa tindahan na nila kumukuha ng gamot para sa lagnat at mefenamic acid dahil naubusan na rin sila.

Kung magdedeklara po kayo ng State of Emergency, magkakaroon po ng agarang pagtugon sa kakulangan ng pagkain, tubig, gamot, portable toilets at supply ng kuryente. Sa ganitong paraan, mababawasan ang pagkukumahog ng mga volunteers at pagkabalisa ng mga residente, pati na rin kaming mga tiga-Zamboanga na malayo ngayon at di magkamayaw sa pag-aaalala sa kaligtasan at kalagayan ng aming mga pamilya doon.

Letter to
Department of National Defense Defense Sec. Voltaire Gazmin
Zamboanga City Mayor Mayor Ma. Isabel Climaco
Defense Sec. Voltaire Gazmin: Recommend the declaration of State of Emergency in Zamboanga City

alala ng palala na ang sitwasyon sa aming siyudad. Ang mga magulang at bunso kong kapatid ay nag-eempake na ng mga damit at ilang gamit dahil alam nilang aabot na sa aming sa barangay ang gulo ng MNLF at ng militar. Pero hindi pa rin sigurado kung saan lugar sila tatakbo.

Ang mga kaibigan ko na naninirahan sa Barangay Canelar (na hindi gaanong malayo sa limang apektadong barangay) ay hindi na makalabas ng kanilang mga tirahan dahil nadadala na sa kanila ang barilian. Mayroon na kasing mga rebeldeng MNLF na nakatakas mula sa Sta. Barbara.

Ganito lumalawak na ang problema sa ibang pang barangay. Mismong sa mga bahay at bubungan ng ilan sa aking mga kaibigan nagtatago ang ilang mga nakatakas na rebelde. Dahil dito, inaasahan daw madadagdagan pa ng 5,000 katao ang mga evacuees na sa ngayon ay nasa 10,000 na.