Death Penalty should be Abolish

0 have signed. Let’s get to 100!


Matagal ng pinag dedebatehan sa ating kongreso ang pag papatupad ng parusang kamatayan sa ating bansa. Ito ang isyung pinag tatalunan hindi lamang sa mga mambabatas pati na rin sa mga pangkaraniwang mamamayan.

Ayon sa Article 3 Section 1 ng ating Konstitusyon " No person shall be deprived of life liberty and property without due process of law..." Ibig sabihin pinahahalagahan ng ating pamahalaan at ng ating batas ang buhay ng isang nilalang sapagkat ito ay regalo ng Diyos.

Kung ating susumahin hindi dapat maipatupad ang parusang kamatayan sa ating bansa, sapagkat marami ng umaabuso na mga taong nakaupo sa Gobyerno na kung sino man ang nakagawa ng karumal dumal na kasalanan ay agad agad na lamang pinapatay at hindi manlang umaabot sa tamang proseso o sa due process of law. 

Ang bawat tao ay may karapatang magbago at iyan ang pinag lalaban ng pinuno ng CHR na si Chito Gascon na dapat bigyan sila ng pangalawang pagkakataon upang magkaroon ng panibagong buhay o pagbabago. Sa hindi pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon ay makaranas muli sa hindi kanais- nais na pangyayari sa ating lipunan.

Pati na rin sa pagkakaroon ng patas na batas sa ating bansa. Ang tanging hinihiling ng ating bansa ay sama-sama tayo at magkaisa para sa ating bansa upang magkaroon ng magandang resulta ang hinihiling nating kapayapaan. Sa mga Kriminal na walang takot lumabag sa batas ng ating konstitusyon, hindi pa huli ang lahat. Huwag mong hintaying makita na lamang ang bangkay mong nakahandusay sa daan. Bagkus maging isa ka sa magandang ehemplo upang ang krimen ay tuluyan ng mabura o mawala sa ating bansa.



Today: Alliah is counting on you

Alliah Calimag needs your help with “Death Penalty : Death Penalty should be Abolish”. Join Alliah and 40 supporters today.