Victory

ISULONG ANG KARAPATANG PANTAO. ITIGIL ANG MARAHAS AT ILIGAL NA PAG PATAY.

This petition made change with 100 supporters!


Ang isang ekstrahudisyal na pagpatay (na kilala rin bilang ekstrahudisyal na pagpapatupad) ay ang pagpatay ng isang tao sa pamamagitan ng mga awtoridad ng pamahalaan nang walang pahintulot ng anumang panghukuman na pamamaraan o legal na proseso. Ang mga ekstrahudisyal na parusa ay karaniwang nakikita ng sangkatauhan upang maging di-etikal, sapagkat nilalampasan nila ang angkop na proseso ng legal na hurisdiksyon kung saan nangyayari ang mga ito. Ang mga extrajudicial killings ay madalas na nagta-target ng nangungunang pampulitika, unyon ng manggagawa, dissident, relihiyon, at sosyal na numero at ang mga isinagawa ng gobyerno ng estado o iba pang mga awtoridad ng estado tulad ng mga armadong pwersa o pulis.
              
               Ilang tao na nga ba nag nasawi mula ng ipatupad at isulong sa ating bansa ang Extra Judicial Killing (EJK). Mula ng maupo ang bagong administrasyon ay patuloy ang bilang ng mga taong nasasawi kontra droga. Sa huling tala ng Philippine National Police, hindi bababa sa 700 na kaso ang mga napatay dahil nanlaban di-umano sa lehitimong operasyon ng pulisya.  Mahigit 1000 naman ang bilang ng mga napaslang sa pamamagitan ng summary killings na  ngayo’y “under investigation” na ng PNP. At sa patuloy na madugong giyera na ito kontra droga, inaasahang lolobo pa ang bilang na ito.
 

Lahat tayo ay may sinusunod na batas upang dumaan sa tamang proseso. Paano na lamang ang mga taong inosente at walang kinalaman na nadamay at nasawi dahil sa kampanya kontra droga sa ating bansa. Lahat tayo ay gustong mamuhay ng mapayapa at walang iniintinding panganib sa ating kapaligiran, ngunit ang marahas at di makatarungang pag patay ay hindi katanggap tanggap dahil lahat tayo bilang isang bansang demokrasya ay may karapatang idepensa at ipag laban ang ating karapatan bilang isang tao. Itigil ang marahas na pag patay at isulong ang karapatang pantao.



Today: Khryznelle is counting on you

Khryznelle Alabado needs your help with “COMMISSION ON HUMAN RIGHTS: ISULONG ANG KARAPATANG PANTAO. ITIGIL ANG MARAHAS AT ILIGAL NA PAG PATAY.”. Join Khryznelle and 99 supporters today.