IBALIK ANG RIVERSIDE FATIMA BASKETBALL COURT SA BRGY. COMMONWEALTH

0 have signed. Let’s get to 200!


 

. MGA TAGA RIVERSIDE COMMONWEALTH! MAGKAISA TAYO PARA SA PAGBABALIK NG BASKETBALL COURT!

WAG NATING HAYAAN NA GAWING PAY PARKING AT TAMBAKAN NG BASURA ANG MAHAL NATING FATIMA BASKETBALL COURT. HINYAAN NA NAMIN KAYONG ALISIN AT GAWING TAMBAKAN ANG AMING STAGE PERO WAG NAMAN SANA ANG BASKETBALLCOURT NG UNIT  3 FATIMA PARA SA MGA KABATAAN.

malaki ang nabuong galit nito mula sa mga kabataan sa komunidad ng barangay Commonwealth. marahil pati mga magulang ay tututol. ilang beses ko ng narinig mula sa mga nanay na mas nanaisin pa raw nilang magbasketball ( o iba pang sports at proyekto ng komunidad ng riverside unit 3 ) buong araw ang kanilang mga anak, huwag lang gumamit ng droga, manigarilyo, uminom ng alak at makipag away. 

Mahalagang bahagi ng kulturang popular ang basketball sa lipunang pilipino. kahit nagmula ito sa ibang bansa, lubusang tinangkilik ito ng mga pilipino at higit pa ngang minahal kaysa sa ibang tradisyunal na laro. hindi ba’t may namamayaning kaisahan na matalo na tayo sa lahat ng kumpetisyon sa sea at asian games, huwag lang sa basketball (pasintabi sa mga manlalaro ng bilyar at bowling).

paboritong proyekto ng mga mambabatas ang pagpapagawa ng mga basketball court. sa katunayan, sa sobrang dami ng mga proyektong ito ay ipinagbawal na ng kongreso ang paggamit ng pork barrel para sa mga basketball court.

maraming artista at pulitiko ang nakilala dahil sa basketball. bata o matanda, kilala si jaworski o kahit si jun bernardino. hinahabol ng bir ang mga manlalaro ng pba sa laki ng kanilang kinikita. humihinto ang mundo kapag nba finals.

maging sa akademya ay tinukoy ang papel ng basketball sa paghubog ng sarili nitong lenggwahe na lalong nagpayaman sa pambansang wika. walang institusyong nagdikta kung ano ang tama o mali, pero sa buong kapuluan ay may nabuong komon na wika ang mga manlalaro ng basketball na kahit ang mga walang hilig sa laro ay naiintidihan ito.

sinisid ang bola, tirang palaka, agawang-buko, nangalabaw, buwakaw, ala-jawo, tirang-caidic, tambak, kapos – ang mga imaheng tinutukoy ng mga salitang ito ay nalikha sa mundo ng basketball at kayang sapulin ng halos lahat.

ito ang mahal naming Unit 3 fatima basketball court, tatak riverside yan at tatak commonwealth. ang libangan, paboritong laro’t kapuso ng bawat taga riverside o dayo. nawala na ang dragonballs z at ghostfighter pero nandyan pa rin ang  unit 3 fatima basketballball court . malalaos ang meteor garden at mga soap opera ngunit mananatili pa ring matatag ang natatanging lugar at halaga ng basketball ( o iba pang sports at proyekto ng komunidad ng fatima chapel ) sa popular na kamalayan ng mamamayan ng mga tunay na taga Fatima Unit 3 Riverside.

buhay na buhay ang basketball at iba pang sports at proyekto sa komunidad ng fatima unit 3. hindi humuhupa ang pagsulpot ng mga bagong proyekto sa amin barangay.

PAG HINDI NAIBALIK ANG FATIMA UNIT  3 BASKETBALL COURT SAAN NA MAGLALARO ANG MGA KABATAAN? ANG MGA PROYEKTO NG KOMYUNIDAD SAAN GAGANAPIN? SA KALYE?

kung tutuusin, isang buong termino na ni Kapitan Maning Co na nagtitiis ang mga kabataan sa tinanggal na basketball court at ginawang bayarang parking lot, sa gabi naman ay nakakasalangsang na tambakan ng basura at may bayad. Maraming nang beses ipinakausap ito kay Kagawad Rowena Lucas pero ang kanyang palaging sagot ay hindi ibabalik ang court dahil isa raw itong pampublikong daanan. Si Kagawad Rowena Lucas po ay hindi residente ng Unit 3 Fatima. Unang una, maraming henerasyon na ang lumipas sa lugar na ito basketball court na po ito nuon pa at naging parte na ito ng kabataan ng aming mga lolo at lola. Pangalawa, bakit ninyo gagawing parking lot ang BASKETBALL COURT NG FATIMA UNIT 3 at may bayad pa. SA gabi naman ay tumatanggap kayo ng bayad sa basura para itstambak ninyo sa BASKETBALL COURT NAMIN. Wag nyo po sana ito gawing negosyo. Pangatlo, isipin nyo ang mga kabataan na imbis na masayang naglalaro sa Basketball court ay naninigarilyo nalamg at natututo mag droga. 

ang kawalan ng sapat na pasilidad o pag giba sa Fatima unit 3 Basketball court para sa paglalaro ang nagtutulak sa ating mga kabataan na gamitin ang mga kalye bilang alternatibong laruan. ang mga ibang barangay na may mga sports plaza ay hindi naman problema ang kalye na ginagawang basketball court. kalakhan ng ating mga kabataan ay walang access sa mga pasilidad na ito. tama po b?

sa kalye itinatayo ang mga basketball court hindi dahil likhang suwail ang mga kabataan at hindi marunong sumunod sa batas kundi nangangailangan ng malaking espasyo ang paglalaro ng basketball. pansinin halimbawa na hindi sa kalye nilalaro ang bilyar kundi sa loob ng mga bahay o gusali dahil pwede itong pagtiyagaan gamit ang maliit na espasyo.

HINDI AKO NANINIWALA NA ISANG MALAKING SAGABAL SA ATING MGA LIDER ANG PAG BALIK NG ATING MAHAL NA FATIMA UNIT 3 BASKETBALL COURT

mukhang may problema ang mga leader natin sa pagkilala sa basketball court ng FATIMA UNIT 3 para gibain agad ito ng walang kapalit at anunsyo sa buong komunidad.

hindi nito nakikita ang kapakinabangang idinudulot nito sa komunidad at sa lipunan. hindi dapat maliitin ang positibong birtud na pinapalaganap nito sa ating kabataan tulad ng pagkakaisa, pagkakaibigan at kolektibong kamalayan. ito ang salbabida ng ilan upang may matirang katinuan sa isang kapaligirang puno ng droga, kabaliwan at kawalang pag-asa.

kailangang kilalanin ang kontribusyon ng basketball court sa kabuuang pag-unlad ng basketball o iba pang sports at proyekto ng komunidad d2 sa aming lugar ng RIVERSIDE FATIMA UNIT 3.

karamihan ng ating mga propesyunal na manlalaro ay nahubog sa maagang paglalaro ng basketball sa FATIMA UNIT 3 basketball court. katulad sa iba pang palakasan, ang mga manlalaro ng basketball ay gumagaling kung nakakalaban nila ang iba’t ibang kalidad ng manlalaro. sino sa ating mga propesyunal ang magmamalaking nahubog ang mga kasanayan nila sa paglalaro lamang sa mga gym?

dapat isipin ng mga leader ang pangmatagalang implikasyon ng kanilang gagawing mapangahas at elitistang hakbang sa sosyolohiya ng basketball o iba pang sports at proyekto ng komunidad d2 sa aming mahal na UNIT 3 FATIMA.

sa kasalukuyan, ang basketball ay parehong spectacle at nasasabuhay na karanasan. pinapanood natin sa tv sa gabi at nilalaro natin sa umaga. hinahangaan natin ang pinong galaw ni johnny abbarientos at sinusubukang gayahin sa susunod nating laro sa basketball court.

kung hindi maibabalik ng ating mga lider ang Unit 3 Fatima Basketball court. WAG NYO SANANG PATUNAYAN NA WALANG BOSES ANG TAONG BAYAN AT MAMAMAYAN. magiging spectacle na ito para sa karamihan at nasasabuhay na karanasan para sa iilan. ayaw naman nating dumating ang sitwasyon na sa arcades at tv na lamang ang ugnayan natin sa larong basketball o iba pang sports at proyekto ng komunidad. sa hinaharap, ang maging manlalaro ay isang ispesyalisasyon na wala ng pangmasang katangian.

HON. MAYOR HERBERT BAUTISTA AND CITY COUNCIL OF QUEZON CITY kami po'y para sa pagkakaisa, pagkakaibigan at kolektibong kamalayan ng barangay commonwealth. maraming salamat po. kami po ay mga concerned citizen ng barangay commonwealth QC since 1986.

SANA PO AY MAKARATING SAINYO TO DAHIL NAKAPOSAS ANG AMING KALAYAAN AT ANG AMING BOSES AY NAKA TALI SA MGA BAKAL NA KAMAY NG AMING BARANGAY LEADER. MARAMING SALAMAT PO



Today: MGA KABATAAN is counting on you

MGA KABATAAN NG BRGY COMMONWEALTH needs your help with “BRGY. CAPTAIN MANING A. CO: IBALIK ANG RIVERSIDE FATIMA BASKETBALL COURT SA BRGY. COMMONWEALTH”. Join MGA KABATAAN and 185 supporters today.