Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino

6,637 supporters

    Started 2 petitions

    Petitioning Philippine House of Representatives, Philippine Senate, Office of the President of the Republic of the Philippines

    ISABATAS ang House Bill 223 (Filipino at Panitikan sa Kolehiyo)

    PAMBANSANG PETISYON NG MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS, NA HUMIHILING SA TANGGAPAN NG PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, KONGRESO, AT SENADO NA SUPORTAHAN AT PABILISIN ANG PAGSASABATAS NG PANUKALANG BATAS BILANG 223  NA INIHAIN SA IKA-18 KONGRESO SAPAGKAT, inihain ng ACT Teachers Partylist, Bayan Muna Partylist, Gabriela Women’s Party, at Kabataan Partylist noong Hulyo 1, 2019 sa ika-18 Kongreso ang Panukalang Batas Bilang 223 o "BATAS NA NAGTATAKDA NG HINDI BABABA SA SIYAM (9) NA YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO AT TATLONG (3) YUNIT NG ASIGNATURANG PANITIKAN  SA KURIKULUM NG KOLEHIYO" bilang suporta at tugon sa adbokasi ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA); SAPAGKAT, sa konteksto ng mga desisyon ng Korte Suprema na inilabas noong Oktubre 2018 at Mayo 2019 hinggil sa mga kasong kaugnay ng K to 12 at CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013, ang mga probisyong pangwika sa Konstitusyong 1987 ay nangangailangan ng karampatang pagsasabatas upang maging ganap ang pagsasakatuparan; SAPAGKAT, sa Senado ay wala pang counterpart ang Panukalang Batas 223, bagamat nagpahayag ng pagsuporta sa mga gayong inisyatiba ang marami-raming senador gaya nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III; Sen. Win Gatchalian; Sen. Panfilo Lacson; Sen. Koko Pimentel; Sen. Kiko Pangilinan; Sen. Risa Hontiveros; at Sen. Joel Villanueva, batay sa kanilang mga nakaraang pahayag sa publiko; SAPAGKAT, ang dalawang pangunahing ahensyang pangwika at pangkultura ng Pilipinas – ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) – ay kapwa sumusuporta rin sa mga gayong inisyatiba; SAPAGKAT, ang pagkakaroon ng mandatoring asignaturang Filipino sa kolehiyo ay isang paraan din ng pagsunod sa mga pamantayang global sa edukasyon, sapagkat marami-raming unibersidad sa Timog-Silangang Asya, sa Amerika, at sa Europa ang nagtuturo rin ng mga wikang sarili bilang mga asignatura; SAPAGKAT, ang pagsasabatas ng Panukalang Batas 223 ay isang malaking hakbang sa proseso ng patuloy na dekolonisasyon at pagpapalaya ng ating bansa mula sa imperyalismong pangkultura, pampolitika at pang-ekonomya, dahil ang matatag na wikang pambansa (na isa sa layunin ng pagtuturo nito sa mga unibersidad) ay makapagpapataas sa antas ng kasanayan ng ating mga mamamayan na mag-usap-usap, bumuo ng konsensus, at magbalangkas at magpatupad ng mga plano para sa pambansang kaunlaran; KAYA’T, sa diwa ng mga nabanggit na, buong-pitagan naming hinihiling sa Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Kongreso, at Senado na suportahan at pabilisin ang pagsasabatas ng Panukalang Batas Bilang 223 o "BATAS NA NAGTATAKDA NG HINDI BABABA SA SIYAM (9) NA YUNIT NG ASIGNATURANG FILIPINO AT TATLONG (3) YUNIT NG ASIGNATURANG PANITIKAN  SA KURIKULUM NG KOLEHIYO" na inihain sa ika-18 Kongreso. PARTIKULAR naming hinihiling ang mga sumusunod na hakbang kaugnay nito: *Sa Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas: SERTIPIKASYON NG PANUKALANG BATAS BLG. 223 BILANG “URGENT” NA LEHISLASYON *Sa Kongreso: MABILIS NA PAGSASABATAS NG PANUKALANG BATAS BLG. 223 BILANG “URGENT” NA LEHISLASYON *Sa Senado: AGARANG PAGHAHAIN NG COUNTERPART NG PANUKALANG BATAS BLG. 223 SA MATAAS NA KAPULUNGAN, TUNGO SA MABILIS NA PAGSASABATAS NG NASABING LEHISLASYON Bilang pagpapatibay sa petisyong ito ay inilalagda namin ang aming mga pangalan.    

    Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
    4,355 supporters
    Petitioning Philippine Bureau of Immigration, President of the Philippines, Philippine Government

    Stop Sister Patricia Fox's De-Facto Deportation from the Philippines!

    We are Filipinos who genuinely love our country. We demand Philippine authorities to stop Sister Patricia "Pat" Fox's de-facto deportation from the Philippines! Sister Pat is an Australian missionary nun who has been living in the Philippines and serving the Filipino people for 27 years now. The Philippine government wants to deport her for alleged intervention in the country's politics. But, what the government calls politics, we call genuine service to the Filipino people. Sister Pat has helped a number of peasant, working class, and urban poor communities in their fight for social justice and against human rights violations. She is a Filipino, "more Filipino" than corrupt politicians or petty bureaucrats who are afraid of "foreigners" who genuinely help the poorest among our people, not through useless dole-outs and pseudo-development projects but by making them rediscover their voices as a people with dignity and human rights. We are people of various faiths and some of us are even non-believers, but we are all united in declaring that Sister Pat is a model global citizen who helps us carry on with the dream for a world without borders, a world where citizens are brothers and sisters under the banner of humanity. Here is a foreigner who has become one of us. Here is an Australian that speaks our language from her heart of hearts. Here is a elderly foreigner who rides a humble tricycle to visit poor comunities while "Filipino" politicians drive around in foreign luxury cars towards their posh village houses. Here is A FILIPINO whom the Philippine government wants to deport or ordered to leave in 30 days time, for serving the poorest of the poor among us. We can only do so much and we don't even know if this petition would gain ground but with tears and clenched fists, we say, NOT IN OUR NAME.  We demand Philippine authorities to stop Sister Patricia "Pat" Fox's de-facto deportation from the Philippines! LET HER STAY! SHE'S A FILIPINO!  (P.S. Photo is from Ms. Ceres P. Doyo's Facebook page.)

    Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
    2,282 supporters