Mayor Ma. Isabel Climaco - Zamboanga City, Director Zenaida Arevalo - DSWD Region 9: Please RETURN the Badjao evacuees to their homes, not in the mountains, not in bunkhouses.

Mayor Ma. Isabel Climaco - Zamboanga City, Director Zenaida Arevalo - DSWD Region 9: Please RETURN the Badjao evacuees to their homes, not in the mountains, not in bunkhouses.

    1. Honee Alipio
    2. Petition by

      Honee Alipio

      Pasig City, Philippines

Ang salitang tubig at buhay sa lenguahe ng mga Badjao ay iisa ang kahulugan, bohe.

Sea gypsies o mga taong naninirahan sa karagatan ang mga Badjao. Isa sila sa dalawang natitirang sea gypsies sa buong mundo.  Kung hindi man sa bangkang bahay, nakatirik naman sa dalampasigan ang kanilang mga tirahan. 

Kaya naman ang pag-utos ng LGU at DSWD na pagrelocate sa kanila sa kabundukan o sa kahit na anong lugar na hindi dinadampian ng tubig dagat ay mangangahulugang tinatanggalan natin sila hindi lang ng kabuhayan kundi pati na rin ng pagkakakilanlan, sinaunang kagawian, kultura at tradisyon ng pagiging Badjao.

Sa piling ng dagat sila ipinapanganak, sa dalampasigan sila inililibing. Sa piling ng  dagat naghahabi ng makukulay na banig (binabase sa kulay ng dagat. orange = papalubog ang araw, violet = makulimlim), nagtatahi ng makukulay na layag ng vinta, kasabay ng paghehele sa gabi ang chanting at paroo't parito ng mga alon. Ilan lamang ito sa mga pagkakawing-kawing ng buhay ng mga Badjao at ng karagatan. Pangingisda, paninisid ng perlas o pagtatanim ng seaweeds ang ilan sa pangunahin nilang ikinabubuhay. 

Nawalan na sila ng tirahan nang dahil sa kaguluhan at malawakang pagsusunog sa dati nilang mga barangay. Displaced na sila, hahayaan pa ba nating ilipat sila sa lugar na hindi angkop sa kanilang pagkakakilanlan? Ibalik natin sila sa orihinal nilang tirahan, sa tapat ng dagat, hindi sa bundok o kung saan mang hindi sila mabubuhay. 

 PHOTO CREDIT: Alexis from the Philippines, Wikimedia Commons

To:
Please RETURN the Badjao evacuees to their homes and not in the mountains, or at least consider consulting them first before moving them to any place they think they would not survive.

Sincerely,
[Your name]

Recent signatures

    News

    1. Reached 3,000 signatures

    Supporters

    Reasons for signing

    • Lilian Bellen MAKATI CITY, PHILIPPINES
      • 5 months ago

      Respect for the culture of the Badjao.

      REPORT THIS COMMENT:
    • alice cuaser ILIGAN CITY, PHILIPPINES
      • 5 months ago

      Bimuhay sla ng ating panginoon, dapat bigyang pansin kung saan talaga sila mabubuhay na may sariling pangkabuhayan.

      REPORT THIS COMMENT:
    • Maureen Ilagan PARAñAQUE, PHILIPPINES
      • 5 months ago

      Preserve and respect their culture.

      REPORT THIS COMMENT:
    • yusep abduhasad ZAMBOANGA CITY, PHILIPPINES
      • 5 months ago

      yes ,the badjao people will suffer if this will happen.

      REPORT THIS COMMENT:
    • isabela carreon QUEZON CITY, PHILIPPINES
      • 6 months ago

      the aetas were dislocated by the eruption of mt pinatubo! this will likewise happen to the badjaos

      REPORT THIS COMMENT:

    Develop your own tools to win.

    Use the Change.org API to develop your own organizing tools. Find out how to get started.